^

Bansa

Martial Law extension dedesisyunan pa ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Martial Law extension  dedesisyunan pa ni Duterte

Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, mas alam ng AFP ang sitwasyon pagdating sa seguridad ng bansa at mahalagang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan. AP, File

MANILA, Philippines — Nirerespeto umano ng Malacañang ang naging rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na palawigin pa ang Martial Law sa Minda­nao kahit natapos na ang kaguluhan sa Marawi City.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, mas alam ng AFP ang sitwasyon pagdating sa seguridad ng bansa at mahalagang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Nauna ng inilutang ni AFP spokesman Major Gen. Restituto Padilla ang posibilidad na palawigin pa ang martial law sa Mindanao na nakatakdang magpaso sa katapusan ng taon.

Ipinunto ni Padilla ang banta pa ng ibang grupo na hindi napupuksa ng mga puwersa ng gobyerno.

Bagaman katanggap-tanggap sa Malacañang ang rekomendasyon ng AFP, si Pangulong Duterte pa rin anya ang magpapalabas ng desisyon sa huli.

Ayon kay Andanar, pag-aaralan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng militar at siya ang magdedesisyon sa bandang huli.

“Of course, we respect the wisdom of (Major) General Restituto Padilla and the Armed Forces of the Philippines. Sila naman talaga ang nakakaalam sa mga ganyang subject, pagdating sa pakay ng national security and they have all the reason to give their thoughts because ang pinakamahalaga talaga sa lahat eh ang seguridad ng bawat Pilipino,” pahayag ni Andanar.

Idinagdag ni Andanar na marami pa ring problema na dapat resolbahin lalo na sa Marawi City ka­tulad ng rehabilitasyon at clearing operations at tiyak na may iba pang elemento na posibleng magsamantala sa sitwasyon.

Sa ngayon, kabilang sa target ng military ope­rations sa Mindanao ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Abu Sayyaf Group at iba pang lawless elements. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with