PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3 kaso ng Japanese encephalitis naitala sa Ilocos, minomonitor – DOH

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-aaral ng Department of Health (DOH) sa Ilocos Sur hinggil sa tatlong kaso ng Japanese encephalitis (JE) na naitala sa tatlong bayan ng probinsiya.

Ayon kay Engr. John Foz mula sa DOH-Ilocos Sur, lima ang isinailalim sa cerebrospinal fluid testing kung saan tatlo ang nagpositibo mula sa bayan ng Alilem, Narvacan at Suyo.

Ang isa naman na nagmula sa Candon City ay negatibo at ang isa na mula sa Santiago ay hinihintay pa ang resulta ng naturang pagsusuri.

Aniya, maituturing na seryosong sakit ang Japanese encephalitis dahil ito ay nakakamatay kung saan pagkatapos ng disorientation o pansamantalang pagkalimot sa mga bagay-bagay at paralysis ay humahantong sa pagiging comatose.

Inihayag niya na ang mga sintomas ng nakamamatay na sakit ay may pagkakahawig sa sintomas ng dengue ngunit ang mga ito ay lumalabas lamang sa loob ng lima hanggang 15 araw mula sa pagkakakagat ng lamok.

Wala pa raw gamot sa direktang epekto ng JE ngunit ang mga komplikasyon at impeksyon na dulot nito ay maaaring magamot.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: