PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Red tide sa Bataan

BALANGA CITY, Bataan, Philippines — Mahigpit na ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources BFAR ang pag-aangkat, paghuli, pagbebenta at pagkain sa lahat ng uri ng shellfish dahil positibo ang walong bayan at isang lungsod sa lalawigan ng Bataan sa red tide.

Ayon kay Wilfredo Cruz, BFAR Regional Director ng Region 3 apektado sa red tide  ang mga bayan  sa baybaying karagatan ng Orani, Samal, Hermosa, Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga City at Abucay.

Sinabi ng Regional Director sa nakalap sa mga sample ng shellfish kamakalawa ng mga tauhan ng Provincial Agriculture Office lumilitaw na positibo sa Paralytic Shellfish Poison ang mga karagatang sakop ng nabanggit na bayan.

Samantala ipinahayag ng BFAR at ng Provincial Agriculture Office ng Bataan na patuloy nilang minomonitor ang pagkuha ng mga sample sa mga tubig at shellfish para mabantayan ang kalusugan ng publiko at maprotektahan ang industriya ng pangisdaan.

Ang mga shellfish na positibo sa red tide ay ang halaan, tahong, talaba, hipon at alimango.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: