PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pulis na may kasong administratibo, kriminal walang bonus

MANILA, Philippines — Walang matatanggap na bonus ang mga tinaguriang mga scalawags na mga pulis na nahaharap sa kasong administratibo at kriminal.

Ito ang inianunsyo kahapon ng Philippine National Police (PNP) matapos ipalabas na ang yearend bonus ng mga opisyal at tauhan ng pulisya kaugnay ng maagang aginaldo ng pamahalaan sa pagdiriwang ng kapaskuhan.

“As a disciplinary policy release of yearend bonused and other incentives to PNP personnel with pending administrative and criminal cases is deferred,” pahayag ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos.

Sinabi ni Carlos na naipalabas ng PNP ang P4, 429,302,582.00 bilyon para sa bonus ng aabot sa 191,480 mga aktibong duty uniformed at non-uniformed PNP personnel.

Nabatid na ang yearend bonus ng mga aktibong pulis ay katumbas ng isang buwang suweldo at dagdag na P 5,000 cash gift mula sa administrasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: