PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sereno pinayuhang ‘wag siputin ang Kamara

Ang imbitasyon sa punong mahistrado ay ipinadala sa kabila ng nauna nang kahili­ngan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Kamara na payagan siyang huwag nang dumalo sa impeachment proceedings para hindi lubos na maabala ang kanyang trabaho sa Korte Suprema dahil kaya namang sagutin ng kanyang mga abogado ang mga iaakusa sa kanya. Efigenio Toledo IV/Philstar.com, File

MANILA, Philippines — Hindi dapat siputin at huwag sundin ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang imbestigasyon ng House Committee on Justice na dumalo sa pagdinig ng kanyang impeachment case sa susunod na linggo.

Ito ang payo ni Albay Rep. Edcel Lagman kay Sereno matapos na padalhan ng liham ng komite ang punong Mahistrado na dumalo sa pagdinig sa Nobyembre 22. 

Giit ni Lagman, maaari namang hindi sundin ni Sereno ang imbestigasyon ni Committee chairman Reynaldo Umali dahil may umiiral siyang karapatan sa ilalim ng konstitusyon at maaaring ang abogado lamang niya ang kumatawan sa kanya.

Paliwanag pa ng kongresista na parehong ang Constitution at ang House Rules on Impeachment ay nagbibigay ng karapatan sa isang akusado na mamili ng kanyang counsel tulad sa criminal prosecution at binibigyang karapatan din sa ilalim ng batas na isailalim ng abogado sa cross examination ang haharap na mga  testigo.

Ang imbitasyon sa punong mahistrado ay ipinadala sa kAbila ng nauna nang kahili­ngan ni Sereno sa Kamara na payagan siyang huwag nang dumalo sa impeachment proceedings para hindi lubos na maabala ang kanyang trabaho sa Korte Suprema dahil kaya namang sagutin ng kanyang mga abogado ang mga iaakusa sa kanya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: