PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Uson, Roque tinitingnang Senate bets ng PDP-Laban sa 2019

Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson. Senate PRIB/Joseph Vidal, File

MANILA, Philippines – Unti-unti nang pinangangalan ng PDP-Laban ang kanilang mga napipisil na pambato sa darating na 2019 midterm elections kung saan kabilang sina PCOO Assistant Secretary Mocha Uson at Presidential Spokesperson Harry Roque para sa pagkasenador.

Sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na makakasama nina Uson at Roque sina presidential adviser at dating MMDA Chair Francis Tolentino, Bataan Rep. Geraldine Roman, Negros Occidental Rep. Alfredo Abelardo Benitez at Davao City Rep. Karlo Nograles.

Kilala si Uson na masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte mula pa noong panahon ng kampanya.

BASAHIN: Kilalanin: Potential senatorial bets ng PDP-Laban sa 2019

Unang naitalaga si Uson bilang board member ng MTRCB bago inilipat sa PCOO kung saan hawak niya ang social media.

Bukod sa pagiging kawani ng gobyerno ay mayroong Facebook page si Uson na ilang beses nang nabatikos dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala, miyembro ng Kamara si Roque na kumakatawan sa Kabayan party-list ngunit nito lamang ay kinuha ng pangulo bilang tagapagsalita kapalit ni dating Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

Nitong nakaraang buwan ay inihayag ni Senate President Aquilino Pimentel III ang potential senatorial lineup ng PDP-Laban kung saan kabilang sina House Majority Leader Rodolfo Fariñas, Tolentino, Nograles, Roman (Bataan) at Benitez. (Esmeralda Pal)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: