^

Bansa

Probisyon sa pabahay sa TRAIN, irekonsidera

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kung magiging batas ang pinapanukalang Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) sa ilalim ng Senate Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Senador Sonny Angara ay maaalis ang VAT-exemption na ibinibigay para sa socialized, economic and low-cost housing units na nagkakahalaga ng P450,000 at P3.2 milyon bawat unit.

Sa isang press briefing, nagpahayag ng pangamba si Rodolfo Javellana Jr., ng Union of Filipino Consumers and Commuters (UFCC) na ito’y nangangahulugan na masamang balita sa 15 milyong Pilipinong namamasukan sa ibang bansa upang may mapagkakakitaan para sa pamilya at sa ibang pang kababayan na nagnanais ng magkaroon ng sariling bahay.

Sinabi ni Javellana sa kasalukuyang presyo ng socialized, economic and low-cost housing, maging mga manggagawang kumikita ng P30,000 sa isang buwan ay nahihirapang makabili ng sariling bahay.

Kung hahayaan ng Senado na tumaas ang presyo sa pabahay mula P50,000 hanggang P360,000 bawat unit kung ipapatupad ang VAT, ay hindi matutupad ang pangarap ng mga OFWs at ibang mamamayan na magkaroon ng sariling bahay dahil aniya ang mga mamimili ang magpapasan sa idadagdag na buwis dahil ang VAT ay isang after-sales tax

Ang UFFC ay naghain ng apela kay Senador Angara na  pakinggan ang kanilang panawagan na alisin ang kontrobersyal na probisyon ng TRAIN sa pabahay at isaalang-alang ang kapakanan ng mga walang sariling bahay, na sa tantiya ng gobyerno ay umaabot sa 5.7 milyon o mahigit pa.

Hindi masama ang TRAIN ani Javellana ngunit ang dapat pagtuunan ng pansin ng tax collectors ay ang mga tax evaders at ang mga corrupt tax collectors sa halip pataasin ang buwis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with