^

Bansa

Trillanes kinasuhan ng inciting to sedition

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kaso si Sen. Antonio Trillanes sa piskalya ng Pasay City kahapon ng hapon.

Kasong Inciting to Sedition ang isinampa ni dating Congressman Atty. Jing Paras at ng apat pang abogado laban kay Trillanes sa tanggapan ng Pasay City Prosecutor’s Office.

Ang inihaing kaso laban kay Trillanes ay bunsod umano sa ginagawang pag-udyok nito sa ilang sundalo at mga tao para mag-alsa laban sa Duterte admi­nistration.

Bukod dito ay naninirang-puri aniya ang naturang senador laban kay Pangulong Duterte.

Binalewala naman ni Trillanes ang kasong inciting to sedition na inihain sa kanya ng isang grupo ng mga abogado sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Tinawag din ni Trillanes na “minions” ni Duterte ang mga nagsampa sa kanya ng kaso.

Sinabi pa ni Trillanes na ginagawa lahat ng mga minions ni Duterte ang lahat ng uri ng ha­rassment sa pag-asa na maililigaw ang kaniyang atensiyon sa ginagawang mga expose.

“Sorry, but I remain focused on findings ways to continue to expose Duterte’s murder, corruption, and secret bank accounts,” ani Trillanes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with