^

Bansa

Government official na umaarbor sa anak ng drug queen ipapahanap ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipapahanap ni Pangulong Duterte ang sinasabing government official na umaarbor kay Dianne Yu Uy, anak ng convicted drug queen na si Yu Yuk Lai na nakakulong nga­yon sa Correctional for Women.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ayaw na ayaw ng Pa­ngulo ang mga ganitong hakbang lalo’t simula pa lamang ng Duterte admi­nistration ay inihayag na niyang wawakasan niya ang problema sa illegal drugs at corruption sa pamahalaan.

Ibinunyag mismo ni PDEA Director-General Aaron Aquino na isang mataas na opisyal ng gobyerno ang nagtangkang umarbor kay Ms. Yu matapos nila itong maaresto sa Unit 3D sa Jy J condominium sa 867 Gen. Solano St., San Miguel, Manila ilang metro lang ang layo sa Malacañang. 

Siniguro naman ng Malacañang na hindi bibigyan ng presidential pardon ni Pangulong Duterte si Yu Yuk Lai.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na, galit na galit si Pangu­long Duterte sa shabu kaya malabong mabigyan ito ng presidential pardon.

Kamakailan lamang ay nahulihan pa ng illegal drugs ang nasabing Intsik sa loob ng selda nito sa Correctional ng salakayin ito ng PDEA.

Aabot sa P15 milyong halaga ng shabu ang nasamsam dito na nakalagay sa banga at sa panty liners.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with