^

Bansa

$2M suporta ni Trump sa drug war ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
$2M suporta ni Trump sa drug war ni Digong

Magugunita na nagkaroon ng bilateral talks sina Pangulong Rodrigo Duterte at President Donald Trump sa 31st ASEAN Summit kung saan ay siniguro ng Estados Unidos ang patuloy na relasyon nito sa Pilipinas. Krizjohn Rosales/File

MANILA, Philippines — Nagpasalamat kahapon ang Malacañang sa $2 milyong pangakong suporta ni US Pres. Donald Trump para sa anti-drug campaign ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang pahayag na ito ng White House kahapon ay maituturing na pagkilala at pagsuporta mismo ni Trump sa drug war na inilunsad ni Pangulong Duterte.

“President Trump announced $2 million to support drug demand reduction programs in the Philippines,” bahagi ng statement ng White House.

Ani Roque, lalo sigurong natuwa si Pangulong Duterte kung ito ay mismong inihayag ni President Trump sa kanilang bilateral talks sa sidelines ng ASEAN Summit.

Magugunita na nagkaroon ng bilateral talks sina Pangulong Duterte at President Trump sa 31st ASEAN Summit kung saan ay siniguro ng Estados Unidos ang patuloy na relasyon nito sa Pilipinas.

Mismong si White House Press Sec. Josh Earnest ang nag-anunsiyo sa naging desisyon ni Presi­dent Trump na pag­lalaan ng $2 milyon para sa anti-drug campaign ng Duterte administration.

Pero bagama’t “bela­ted” na ang statement, labis na ipinagpapasalamat ng Palasyo ang nasabing alok na tulong ng US government sa pagresolba ng illegal drugs trade sa bansa.

Patunay daw itong kinikilala ni Trump na tama ang diskarte ni Pangulong Duterte sa kanyang anti-drug war na mahigpit na tinutuligsa ng ilang local at foreign human rights groups.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with