^

Bansa

MRT operations ipatitigil

Pilipino Star Ngayon
MRT operations ipatitigil

Dakong alas-9:03 ng umaga kahapon nang maghiwalay ang dalawang bagon ng MRT habang umaandar sa southbound area sa pagitan ng Buendia at Ayala station sa Makati City. Ivan Caballero Villegas/File

MANILA, Philippines — Dapat na raw ikonsidera ng Department of Transportation (DOTr) ang pansamantalang pagpapatigil ng operasyon ng Metro Rail Transit (MRT3) matapos humiwalay kahapon ang isang bagon ng tren habang umaandar kung saan nasa 140 pasahero ang napilitang maglakad mula Ayala station patungong Buendia station.

“Pinag-uusapan lang natin ang aksidente sa isang tao pero ito, humiwalay ang dalawang bagon. Mabuti na lang, walang nasaktan. Umpisa pa lamang ito kaya nakita na natin ang pagkakamali ng nakaraang administrasyon. Sa tingin ko ang namamahala ngayon ng DOTr ay kailangan nang kumilos at hindi lamang pumuna,” ayon kay Sen. Grace Poe.

Sinabi ni Poe, baga­man at nasa 500,000 na mananakay ang maaapektuhan sakaling pan­samantalang ipatigil ang operasyon ng MRT upang maayos ng mabuti, pero dapat mas isaalang-alang ang kaligtasan ng mga pasahero.

Ipinunto ni Poe na halos araw-araw ay nagkakaroon ng aberya ang MRT.

Maituturing din aniyang sintomas ng problema ang insidente kung saan naputulan ng kamay ang isang babaeng pasahero.

Hinamon ni Poe ang DOTr na magdesisyon na kung ligtas ba o hindi ang MRT3 dahil nakakabahala na ang sitwasyon.

Sinabi ni Poe na dapat ipasuri sa mga eksperto ang MRT para masabi kung talagang ligtas pa rin ito.

Dakong alas-9:03 ng umaga kahapon nang maghiwalay ang dalawang bagon ng MRT habang umaandar sa southbound area sa pagitan ng Buendia at Ayala station sa Makati City.

Natakot at napasigaw ang ilang pasahero dahil hindi na magkadugtong ang kanilang sinasakyang tren.

Nang huminto ang pag-andar ay mabilis na pinababa ng tren saka pinaglakad sa gitna ng riles ang nasa 140 pasahero.

Dahil sa nangyari ay nagpatupad ng ‘provisio­nal service’ ang management ng MRT-3 mula sa North Avenue hanggang Shaw boulevard at vice versa lamang habang walang biyahe sa Shaw blvd. patungo ng Taft Ave. at vice versa.

Matapos ang kalaha­ting oras o dakong alas-9:35 ng umaga muling nagbalik sa normal ang operasyon.

Bago ang pagkaka-detached ng dalawang bagon ay nagkaroon na rin ng unang aberya ang MRT-3 sa Quezon Avenue station sounthbound dakong alas-8:57 ng umaga.

Hinatak pabalik ng MRT-3 depot ang mga tumirik na bagon para ayusin at kumpunihin.

Muling humihingi  ng paumanhin ang pamunuan ng DOTr sa naganap na magkasunod na aber­ya.

Ang MRT-3 ay bumi­biyahe sa kahabaan ng Edsa mula sa North Ave., Quezon City patungo ng Taft Ave., Pasay City at vice versa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with