^

Bansa

Duterte nainsulto kay Trudeau

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte nainsulto kay Trudeau

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatapos ng 31st ASEAN Summit na  hindi na niya kailangang magpaliwanag dahil siya ay iniluklok ng mga Pilipino at sasagot lamang siya sa mga mamamayan.

MANILA, Philippines — Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nainsulto siya sa naging pahayag ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na nakakabahala ang mataas na bilang ng napatay dahil sa anti-drug war ng administrasyon.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa pagtatapos ng 31st ASEAN Summit na  hindi na niya kailangang magpaliwanag dahil siya ay iniluklok ng mga Pilipino at sasagot lamang siya sa mga mamamayan.

Pinayuhan pa ng Pangulo ang mga kapwa lider ng bansa na huwag kumuha ng mga dokumento sa mga komunista at oposisyon dahil ito ay tiyak na binago na.

“I said I will not explain. It is a personal and official insult. That is why you hear me throwing down epithets, curses, nagmumura, b*ll sh*t and everything, because it angers me. When you are a foreigner, you do not know exactly what is happening in this country. You do not even investigate. You only show before the United Nations a record of how many persons died you claim to be extra-judicially… I said I do not. I said, “You can investigate, find out…” pahayag ng Pangulo.

Sa informal meeting nina Trudeau at Pangulong Duterte, ipinarating umano ng Canadian Prime Minister ang “concern” ng kanilang pamahalaan kaugnay sa   isyu ng extrajudicial killings at human rights at iginiit na pairalin ang “rule of law”.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with