^

Bansa

EU head sinopla ni Digong!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
EU head sinopla ni Digong!

Inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pakikipagpulong nito kay European Union Council President DonaldTusk ang nauna na niyang posisyon na huwag tumanggap ng anumang tulong mula sa EU. Rey Baniquet/Presidential Photo

MANILA, Philippines — Diretsahang ipinara­ting ni Pangulong Rodrigo Duterte kay European Union (EU) Council President Donald Tusk na hindi kailangan ng Pilipinas ang anumang tulong ng EU kahit kumain na lamang ng tuyo at kanin ang mga Filipino.

Inulit ni Pangulong Duterte sa pakikipagpulong nito kay Tusk ang nauna na niyang posisyon na huwag tumanggap ng anumang tulong mula sa EU.

“Forget it. We will survive, even if we have to eat dried fish and rice, we will survive,” wika ni Pangulong Duterte sa kanyang press conference kamakalawa ng gabi sa Philippine International Convention Center (PICC) sa pagtatapos ng 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits.

“Just don’t f*** with my country about sovereignty. That is really an insult. I consider it as a very serious insult,” pahayag pa ni Duterte.

 Nagkaharap sina Pa­ngulong Duterte at Tusk noong Martes sa ASEAN-EU 40th Anniversary Commemorative Summit kamakalawa.

Ipinaliwanag ng Pa­ngulo na ayaw niyang tumanggap ng anumang tulong na mayroong kaakibat na mga kondisyon.

Magugunita na binatikos ni Duterte ang EU dahil sa patuloy nilang  kritisismo  sa drug war ng gobyerno.

“Keep your money. Do not meddle with the sovereignty of my country. Do not impose conditions. We are not rich, we are poor. But we do not bargain dignity by accepting money with conditions that are not really acceptable to us,” dagdag ng Pangulo.

Noong 2016, hinamon ni Duterte ang EU at Estados Unidos na huwag nang magbigay ng anumang aid sa Pilipinas dahil sa kanilang pagbatikos sa drug war ng pamahalaan na pilit na inuugnay sa extrajudicial killings.

Kabilang sa mga inilatag na tulong ng EU sa Pilipinas ay ang P18.05 bilyong aid mula 2014-2020 sa ilalim ng EU Multi-Annual Indicative Program for the Philippines na gagamitin para sa sustainable energy, job creation, legal at judicial reform gayundin sa feasibility studies at outreach program. Nangako rin ang EU ng P6 bilyong aid para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with