^

Bansa

Bar niratrat ng 4 sundalo: 1 dedo, 2 sugatan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Isa ang namatay habang dalawa naman ang na­sugatan sa pamamaril ng sundalo sa harap ng bar sa Cannery Road, Barangay Poblacion sa bayan ng Polomolok, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang namatay na si Aries John Ang, 23, ng Avocado St., Citizens Village, Polomolok habang sugatan naman sina  John Angelo Felisilda, 18, senior high student; at Freddie Simacas, 27.

Nakatakdang kasuhan ang mga sundalo na sina PFC Reynold Londres, 28; Staff Sergeant Trance, PFC Sabillo, at si Staff Sergeant Rebullos na pawang miyembro ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Sinabi naman ni 2nd Lt. Ran Jan Palacios, spokesperson ng 27th IB Philippine Army,  ginagampanan lamang ng mga sundalo ang kanilang trabaho nang naganap ang pamamaril.

Sa ngayon ay nasa custodiya ng Polomolok PNP ang mga sundalo habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with