6-katao dinukot ng Sayyaf
MANILA, Philippines — Dinukot ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang anim-katao sa Barangay Latih, bayan ng Patikul, Sulu noong Martes ng gabi.
Kinilala ang mga binihag na sina Jessy Trinidad, 55; Nene Trinidad, 56; Aloh Trinidad, 22; Lucy Hapole, 21; Junjun Hapole, 13; at si Nelson Hapole, 7.
Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, dakong alas-8:45 ng gabi nang maganap ang pagdukot sa mga biktima sa Phase 4, Kalimayahan Village.
Walang nagawa ang mga biktima matapos na lumusob sa kanilang lugar ang mga bandido at sapilitan silang tangayin.
Agad namang ini-report ng ilang residente sa Joint Task Force (JTF) Sulu at PNP kung saan kaagad na rumesponde subalit nabigong abutan ang mga kidnaper.
“This incident again demonstrates that the notorious kidnappers in Sulu are victimizing anybody including their fellow Tausugs even those who have less in life. Such hostility reminds us that security is everybody’s responsibility,” ani Sobejana.?
Patuloy naman ang search and rescue operations ng tropa ng militar upang tugisin ang mga kidnaper at masagip ang mga bihag.
- Latest