^

Bansa

Taxi driver, pinatay sa harap ng 3 anak at asawa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang taxi driver ang binaril at napatay sa harap ng kanyang tatlong anak at asawa sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Adrian Galang, 39, ng Libis Extension, Brgy. Batasan Hills, Quezon City na nagtamo ng tama ng bala sa batok  na siyang dahilan ng kanyang agarang  kamatayan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Alvin Quisumbing, may hawak ng kaso, naganap ang krimen dakong ala-1:00 ng madaling araw sa loob ng tahanan ng biktima. 

Ayon sa misis ng biktima na si Zaineth, pumasok ang gunman sa kanilang bahay habang sila ay natutulog na.

Tinawag at ginising umano ang biktima habang katabi nitong natutulog ang tatlong anak at asawa at habang papatayo ito ay agad na binaril sa batok.

Hinala ni Zaineth na may kinalaman sa ilegal na droga ang motibo sa krimen dahil dati na umanong nag-positibo sa drug test ang  biktima at una na ring sumuko sa ‘Oplan Tokhang’ ng pulisya.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with