^

Bansa

Solon kay Trudeau: Hakutin agad ang basura nyo!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Solon kay Trudeau: Hakutin agad ang basura  nyo!

Ito ay para patuna­yan umano ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na totoo ang kanyang binitawang pangako kahapon sa ASEAN-Canada 40th Anniversary Commemorative Summit na “committed” sa paghahanap ng solusyon ang Canada sa kanilang mga basurang itinambak sa Pilipinas. Philstar.com/Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines — Umapela si  Anakpawis Rep. Ariel Casilao kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau na kaagad ipahakot ang mga basurang dinala dito sa Pilipinas mula sa Canada.

Ito ay para patuna­yan umano ni Trudeau na totoo ang kanyang binitawang pangako kahapon sa ASEAN-Canada 40th Anniversary Commemorative Summit na “committed” sa paghahanap ng solusyon ang Canada sa kanilang mga basurang itinambak sa Pilipinas.

Giit pa ni Casilao, umaasa silang magiging agaran ang pag-aalis ng mga basura ng Canada na tatlong taon nang nakatambak sa bansa.

Nangangamba rin ang kongresista na ma­ging banta sa kalusugan ang basura ng Canada kung patuloy na tatagal pa ito sa bansa.

Ipinaalala rin ng kongresista na ang nangya­ring pagtatapon ng ba­sura ng Canada sa Pilipinas ay bunsod na rin ng korapsyon noon sa Customs na huwag na sanang maulit ngayon.

Pinuna pa ng mambabatas ang trade policy ng bansa na masyadong bukas sa foreign exports na madalas ay nauuwi sa pang-aabuso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with