PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Operasyon sa braso nang naaksidente sa MRT-3 matagumpay

Isang babae ang naaksidente nang nasarahan ng pintuan ng MRT-3

MANILA, Philippines — Matagumpay ang naging operasyon sa 24-year old na si Angeline Fernando, matapos siyang maaksidente sa Metro Rail Transit Line 3 noong Martes, Nobyembre 14.

Bandang 2:35 p.m. nang bumaba si Fernando sa MRT 3 Ayala Station. Matapos nito, nakaramdam siya nang pagkahilo, dahilan upan siya ay mahulog sa riles ng tren na naging sanhin nang pagkakaputol ng kaniyang braso.

Kaugnay ng insidenteng ito, muling tinawag ni Sen. Grace Poe ang atensyo ng pamunuan ng Department of Transportation na mas pabilisin na ang pagsasaayos ng MRT 3.

"In reality, the riding public faces so many of the MRT's structural and technical time bombs that put in serious doubt the DOTr's assurance that it is still safe to ride these trains," pahayag niya sa isang statement na inilabas ngayong araw.

Giit pa niya, maaaring naiwasan ang insidenting nangyari kay Fernando kung nasaayos na ang safety feature ng MRT 3.

Bagatmat hindi ito kasalanan ng kasalukuyang administrasiyon, sinabi ni Poe ito ay isang isyu na kailangan solusyunan na ngayon ng mga kasalukuyang nakaluklok sa DOTr.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Aniya, "If they are earnest and sincere in addressing these problems, then they should work faster on bettering our train system."

Kamakailan lamang ay inako na ng DOTr ang maintenance ng MRT 3 mula sa Busan Universal Rail, dahil umano sa "poor performance" nito.

Matapos ang naturang takeover, mas kaunting tren ang bumabyahe ngayon, dahilan para humaba ang pila ng mga pasahero sa mga estasyon. Gayunman, giit ng DOTr, mararamdaman ang pagbuti ng serbsyo ng MRT 3 makalipas ang tatlo hanggang anim na buwan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: