PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Duterte 'good guy' para kay Trump

"Tell Rodrigo I like him very much. He’s a good guy. I had a great time here."

MANILA, Philippines — "He is a good guy," ganito inilarawan ni U.S. President Donald Trump si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang ilang araw niyang pananatili dito sa bansa para sa isinagawang 2017 ASEAN Summit.

Umalis noong Martes, November 14, si Trump at inihitadi nina Executive Secretary Salvador Medialdea, Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel Romualdez, at U.S. Ambassador Sung Kim sa Ninoy Aquino International Airport.

Doon ay binanggit niya sa kanila ang kaniyang mensahe sa pangulo. Ani Trump, "Tell Rodrigo I like him very much. He’s a good guy. I had a great time here."

Para kay Romualdez, magandang sensyales ito para sa relasyon ng Pilipinas at Amerika. "I think it’s a very successful trip, and the Philippines and the US relations are back on track," pahayag ni Romualdez, na tutungo sa Amerika sa Lunes bilang pagsisimula ng kaniyang tungkulin bilang bagong talaga na Philippine Ambassador to the U.S.

Base sa naganap na bilateral meeting sa pagitan ng U.S. at Pilipinas, nais ng dalawang bansa na paigtingin pa ang economic relationship ng dalawang bansa, na mas malalim pa nilang tatalakayin sa US-Philippines Trade and Investment Framework Agreement.

Ayon sa joint statement ng dalawang bansa kahapon matapos ang bilateral meeting, "The two leaders pledged to nurture economic ties, including private sector cooperation, to create jobs and opportunities for people in both countries. To this end, both sides will explore strengthening dialogues for innovation and sharing of best practices in technology to optimize the position of the Philippines as a preferred destination for American investments in the Asia-Pacific region."

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Bukod pa rito, naging bahagi rin ng pag-uusap ng dalawang pangulo ang mga isyu tungkol sa illegal drugs, human rights, at rehabilitasyon ng Marawi City. — Ulat hango sa panulat ni Marichu Villanueva

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: