^

Bansa

Walang katumbas na salapi ang tao-Obispo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang katumbas na salapi ang tao.

Ito ang binigyang-diin ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education kaugnay sa nalalapit na paggunita ng simbahang katolika sa World Day of the Poor.

Ayon kay Bishop Mallari, bawat tao ay nilikha na kawangis ng Diyos at kailanman ay hinding-hindi ito matutumbasan ng anumang salapi o materyal na yaman.

“Ang halaga ng tao ay hindi nakabase sa pera. ‘Yung halaga niya ay yung katotohanan na siya ay nilalang na kawangis ng Diyos. Kaya kapag sinabi mo kung gaano kahalaga ang tao, puwede nating masabi na God offered his life, this is how valuable man is,” pahayag ni Bishop Mallari.

Sa pagdidiriwang ng Linggo Para sa Dukha, inihayag ng Obispo na hindi rin dapat kalimutan ang mga mahihirap na walang awang pinatay dahil sa paggamit ng iligal na droga sapagkat lahat ng inidibwal ay pantay-pantay sa mata ng Panginoon at hindi dapat pagkaitan ng karapatang mabuhay.

Bukod sa pagtulong at pagmamalasakit, sinabi ni Bishop Mallari na tunay lamang malalaman ng bawat isa ang problema at tunay na kalagayan ng mga mahihirap kung ilalagay natin ang sarili sa kanilang sitwasyon.

Una nang idineklara ng Kanyang Kabanalan Francisco ang ika-19 araw ng Nobyembre bilang kauna-unahang paggunita ng simbahang katolika ng World Day of the Poor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with