^

Bansa

Sekyu arestado sa reklamong rape

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang security guard ang inaresto ng mga awtoridad makaraang ipagharap ng kasong rape ng kanyang kapwa guwardiya na umano’y kanyang hinalay sa loob ng kanilang kuwartong inuupahan sa Quezon City, kamakalawa ng hatinggabi.

Ang suspek ay kinilalang si Andrew Ticala, 27, tubong Bayangbang Pangasinan na residente ng No.34-B, 8th Avenue, Brgy. Socorro Cubao, Quezon City.

Inireklamo si Ticala ng kanyang kapwa guwardiya na itinago sa pangalang Dondon, 24, nakatira rin sa No.34-B 8th Avenue, Brgy. Socorro Cubao.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Romeo Lavarias ng Quezon City Police District, nabatid na ang pang­hahalay umano ng suspek sa biktima ay naganap dakong alas-12:00 ng hatinggabi sa loob ng kanilang kuwarto o bed spacer.

Ayon sa report, natutulog ang biktima nang mapansin niyang may nakadagan sa kanyang likuran kaya siya nagising, pero tinutukan umano siya ng baril ng suspek at sinabing magpaubaya na lang hanggang sa magawa nito ang kagustuhan nitong maipasok ang ari sa kanyang puwitan.         

Kinabukasan ay nag­reklamo sa mga awtoridad ang biktima kaya inaresto ang suspek na sinasabing ‘bading”.

Nakakulong ngayon ang suspek sa himpilan ng QCPD Station 8 at nahaharap sa kasong rape.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with