^

Bansa

Kelot itinumba sa parking lot

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dedo ang isang binata nang ratratin ng hindi pa nakikilalang suspek habang nakatayo sa parking lot ang biktima sa Barangay Bambang, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na hindi na umabot nang buhay sa Rizal Medical Center ay kinilalang si Mark Anthony delos Reyes, alyas ‘Makmak,” 28, binata, walang hanapbuhay, at residente ng Vicper Compound, Barangay Malinao, Pasig City.

Sa ulat ni PO2 Danilo Damasco, ng Pasig City Police, nabatid na dakong alas-10:45 ng gabi ay nakatayo ang biktima sa  parking lot sa N. Balderrama Street, sa Barangay Bambang, nang bigla na lang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin.

Mabilis namang tumakas ang suspek  nang makitang bumulagta na ang target habang isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit patay na ito.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng pulisya ang krimen upang matukoy ang pagkakakilanlan ng taong may kagagawan sa pagpatay, gayundin ang motibo niya sa krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with