^

Bansa

Problemadong mister, nagbigti

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa hindi na makayanan ang patung-patong na problema kaya nagpakamatay ang isang mister sa pamamagitan ng pagbigti sa kanyang sarili sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

 Kinilala ni  P/ Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktima na si Roberto Villafuerte, 46, may-asawa, at residente ng No. 67 Yale St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Marvin Masang­kay, ng CIDU, dumalaw ang boyfriend ng anak ng biktima na nakilalang si John Roy C. Lavina, na siyang nakadiskubre sa nakabiting katawan ni Villafuerte sa loob ng bahay nito.

Laking gulat ni Lavina nang pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang nakabiting katawan ni Villafuerte kaya’t agad niya itong ipinagbigay alam sa kanyang girlfriend na nakilalang si Christine na siya namang humingi ng saklolo sa kanilang barangay.

Nabatid sa misis ng biktima na nakilalang Lani,  nitong mga huling araw ay naging mainitin ang ulo ng kanyang mister at kung minsan ay napapansin niyang tila malalim ang iniisip nito, at nang kanyang kausapin ay sinabi lamang nito na patung-patong ang kanyang problema at hindi niya malaman kung paano lulutasin.

Hindi naman idinetalye ng misis ng biktima kung ano ang mga problema ng kanyang mister.

Hindi na rin pinaimbestigahan pa ang insidente dahil naniniwala naman ang pamilyang Villafuerte na sadyang nagpakamatay ang biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with