PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Arab-based ISIS ‘di kaya ng Phl – Turnbull

Ito ang babala ni Australian Prime Minister Malcolm Turnbull matapos siyang dumalo sa “anti-terrorism capability demonstration drill” sa pagitan ng PH at Australian troops nitong Lunes ng hapon kung saan ang pakiki­pagpulong nito kina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero ay inabot ng gabi. AP/Markus Schreiber, File

Australia tutulong vs terorismo

MANILA, Philippines — Hindi kakayanin ng Southeast Asia partikular na ang Pilipinas na malupig ang Arab-based ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) terror group kapag nakapagtayo ito ng “terror cell” sa bansa kung ikokonsidera ang nilikha nitong matinding delubyo sa Iraq at Syria.

Ito ang babala ni Australian Prime Minister Malcolm Turnbull matapos siyang dumalo sa “anti-terrorism capability demonstration drill” sa pagitan ng PH at Australian troops nitong Lunes ng hapon kung saan ang pakiki­pagpulong nito kina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero ay inabot ng gabi.

Nagbabala si Turnbull laban sa epekto ng terorismo na maaaring ihatid ng ISIS Arab based terror group sa rehiyon.

Sinabi ni Turnbull na hindi kakayanin ng Metro Manila at ng buong rehiyon ang terorismong singlakas ng puwersa ng mga elemento ng ISIS kaya’t hindi dapat magkaroon ng terror cell sa Pilipinas na kung magtatangka man ay dapat nang mapuksa habang maaga bago pa lumala ang hatid na terorismo.

“We cannot afford to let them have a foothold anywhere else, let alone in our region, everything is connected. Syria, Iraq, the Philippines, Indonesia, straits of Australia, we are all connected instantly,”pahayag ni Turnbull.

Kasabay nito, nangako si Turnball na kaisa ng Pilipinas ang Australia sa paglaban sa ISIS na nais magtayo ng base sa Southeast Asia.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“We are in the same fight, and that is why now more than ever, the Australian Defense Force, the Armed Forces of the Philippines are working together, supporting each other, learning from each other, fighting the fight, we cannot afford to lose,” ani Turnbull.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: