PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

ASEAN-UN meet ‘inisnab’ ni Duterte

Ang nag-preside ng 9th ASEAN-UN Summit ay si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na kinatawan ni Pangulong Duterte matapos hindi makadalo sa pulong. Naka-schedule ang ASEAN-UN Summit bandang alas-8:00 kamakalawa ng gabi sa PICC kung saan dumalo si UN Secretary General António Guterres. PCOO/Simeon Celi Jr, File

‘Naipit’ sa bilateral meetings - DFA

MANILA, Philippines — Hindi sinipot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at United Nations kamakalawa ng gabi sa Philippine International Convention Center (PICC).

Ang nag-preside ng 9th ASEAN-UN Summit ay si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na kinatawan ni Pangulong Duterte matapos hindi makadalo sa pulong. Naka-schedule ang ASEAN-UN Summit bandang alas-8:00 kamakalawa ng gabi sa PICC kung saan dumalo si UN Secretary General António Guterres.

Ipinaliwanag naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kaya hindi nakadalo ang Pangulo sa ASEAN-UN meet dahil sa kinapos na oras dahil sa dami ng bilateral meetings nito sa mga head of states.

Sinabi ni Foreign Affairs Acting Spokesman Robespierre Bolivar, naubusan na ng oras mula sa dating iskedyul ng Pangulo dahil sa bilateral meetings nito kina Japanese Prime Minister Shinzo Abe, South Korean President Moon Jaein, Indian Prime Minister Narenda Modi, Russian Prime Minister Dmitry  Medvedev.

“The meetings were already running beyond schedule so, to avoid further delaying the ASEAN-UN Summit, it was decided that SFA (Secretary of Foreign Affairs) represent the President while he was meeting bilaterally with the other leaders,” ani Bolivar sa kanyang text message.

Base sa live feed ng ASEAN-UN Summit, nagsimula ang pulong dakong alas-11:21 ng gabi na pina­ngunahan nina Cayetano at UN Secretary General Guterres at halos kasabay naman ito sa bilateral meeting bandang alas-11 ng gabi ng Pangulo kay Russian Prime Minister Dmitry Medvedev sa Coconut Palace.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pinasalamatan ni Du­terte ang Russian PM dahil sa tulong nito sa pakikipag­laban sa mga Maute-ISIS group sa Marawi City partikular ang ibinigay nitong mga armas tulad ng sniper rifle. Ipinagmalaki pa ng Pangulo kay Dmitry na ang nakapatay sa Malaysian terrorist na si Muhamad Ahmad sa Marawi City ay ang sniper rifle na donasyon ng Russia sa military.

Inamin ng 72-anyos na si Pangulong Duterte sa Malacañang reporters na naroroon sa bilateral meeting nila ni South Korean Pres. Moon Jae-in na medyo pagod na siya at kulang sa tulog.

Magugunita na binatikos ni Pangulong Duterte ang UN dahil sa pagpuna sa kanyang drug war at ang tangkang pakikialam ni UN special rapporteur Agnes Callamard na nais imbestigahan ang sinasabing extrajudicial killings at human rights violations sa bansa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: