PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Trudeau nasabihan: Basura ng Canada alisin sa Pinas

Si Canadian Prime Minister Justin Trudeau ay nasa Maynila ngayon para sa East Asian Summit. Philstar.com/Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines — Muling pinaalala ng Greenpeace Philippines kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang pag-aalis sa bansa ng mga basura ng Canada na ipinasok sa Pilipinas.

Matataandaan na noong taong 2013 hanggang unang bahagi ng 2014 ay mayroong dumating na 103 na container vans nag naglalaman ng basura mula sa Canada, na diumano ay ire-recycle. Ngunt ayon sa ilang ulat, ito ay itinambak sa Capas, Tarlac.

Ayon sa pahayag ng Greenpeace Southeast Asia campaigner Abigail Aguilar noong Lunes, November 13, hindi mapagtatakpan ng ilang “public relation antics” ni Trudeau ang problemang dulot ng mga basura mula sa Canada.

SPECIAL COVERAGE: ASEAN Summit in the Philippines

Ani Aguilar, “We welcomed him with our usual Filipino hospitality, fanfare and respect, we hope he will also show respect to our country and our people by taking back their waste to Canada, where it belongs”.

Noong 2015 ASEAN Summit, sinabi ni Trudeau na sosolusyunan ng gobyerno ng Canada ang isyung ito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Muling nasa bansa ang Canadian prime minister para sa 2017 ASEAN Summit, at kasalukuyan na nagsasagawa ng press briefing sa ICM Media Center sa Pasay City.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: