^

Bansa

Ralista binalaan ni ‘Bato’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbanta si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na magkakaroon ng salpukan sa pa­­gitan ng mga otoridad at mga nagpoprotesta ka­pag nagpumilit silang pumasok sa mga lugar na pag­darausan ng ASEAN Summit na naka-lockdown.

Sinabi ni dela Rosa na dapat iwasan ng mga nagpoprotesta ang mga lugar ng Clark Freeport, EDSA, Roxas Boulevard, CCP Complex, Philippine International Convention Center (PICC), at iba pang mga lugar na naka-lockdown.

Giit ng PNP chief na ang nasabing mga lugar ang dapat iwasan dahil  dito ang may mga pinakamaraming movement.

Kung magpupumilit umano ang mga militante at rali­yista na pumasok sa nasabing mga lugar ay magkakaroon ng salpukan sa pagitan ng mga pulis bagamat paiiralin pa rin umano ng pulisya ang maximum tolerance.

Nilinaw naman ni dela Rosa na sa ngayon ay wala silang nakikitang banta para sa 31st ASEAN Summit kaya sa ngayon ay nakatutok lamang sila kung paano aayusin ang grupo ng mga raliyista na nagsimula kahapon.

Kahapon ay nagdatingan sa bansa ang mga world leaders para sa summit.

Nagtalaga ng 60,000 security personnel mula sa 21 go­vernment agencies kabilang na rito ang PNP, Phi­lippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP) at Armed Forces of the Philipipnes (AFP) na dineploy sa Metro Manila at Clark, Pampanga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with