Bagong Papal Nuncio nasa ‘Pinas na
MANILA, Philippines — Dumating na sa bansa ang bagong itinalaga ng Vatican City bilang Papal Nuncio ng bansa na si Archbishop Gabriele Giordano Caccia.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), si Caccia, 59, ay sinalubong nina Achbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales, incoming CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles, Lipa Archbishop Gilbert Garcera at Palo Archbishop John Du sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakalawa.
Kapalit si Caccia ni Italian Archbishop Giuseppe Pinto, na itinalaga naman sa kanyang bagong assignment sa Croatia.
Si Caccia, na ipinanganak noong Pebrero 24, 1958, sa Milan Italy ay naging Assessor for General Affairs of the Secretariat of State ng Vatican.
Bago maitalaga sa Pilipinas, dati nang naitalaga ng Vatican City sa Lebanon ang bagong Papal Nuncio noong 2009. (Ludy Bermudo)
- Latest