Philippine military inimbitahan ni Putin sa Russia – Roque
MANILA, Philippines — Ipinahatid umano ni Russian President Vladimir Putin kay Pangulong Dutete ang imbitasyon para magsanay ang Philippine military sa Russia.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, balak din ng Russia na magtalaga ng military attaché sa Pilipinas.
Sinabi pa ni Roque na sa bilateral meeting nina Duterte at Putin, inihayag ng lider ng Russia na nais ng mga Russian companies na magnegosyo sa Pilipinas.
Gusto rin umano ng Russia na paigtingin pa ang ugnayan sa Pilipinas kung saan ipinanukala ang pagtatayo ng isang light rain line sa Baguio City.
Interesado rin umano ang Russia sa pag-import ng prutas at mga seafood sa Pilipinas.
- Latest