^

Bansa

Seguridad sa ASEAN todo na! - PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Seguridad sa ASEAN todo na! - PNP

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director Ge­neral Ronald dela Rosa na 100% preparado na ang lahat ng security measures para sa ikatatagumpay ng ASEAN Summit na iho-host ng bansa sa Manila at Clarkfield, Pampanga habang magkakaroon din ng aktibidades sa ilang bahagi ng Southern Luzon. AP/Bullit Marquez, File

MANILA, Philippines — Itotodo na ng Philippine National Police (PNP) ang inilatag nitong seguridad kaugnay ng pagdaraos ng ika-31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa bansa simula bukas, Nobyembre 13 hanggang15.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director Ge­neral Ronald dela Rosa na 100% preparado na ang lahat ng security measures para sa ikatatagumpay ng ASEAN Summit na iho-host ng bansa sa Manila at Clarkfield, Pampanga habang magkakaroon din ng aktibidades sa ilang bahagi ng Southern Luzon.

Todo alerto ang PNP habang idinaraos ang Summit partikular na sa mga itinalagang venue, billeting area at mga lugar na maaa-­ ring bisitahin ng mga delegado.

Patuloy din ang pagpapairal ng gun ban sa nasabing mga lugar upang maiwasan ang mga karahasan hanggang sa pagtatapos ng okasyon.

Kasabay nito, nana­wagan sa netizens si dela Rosa na tulungan ang PNP na magdasal para maging matagum­pay ang security forces sa pangangalaga sa seguridad ng mga da­dalong head of states, iba pang mga delegado at mga VIPs sa ASEAN.

“Sa ating mga netizens, nanawagan po ang PNP na tulungan ninyo kaming magdasal para maging matagum­pay ang aming misyon na walang mangyaring masama dahil nakasalalay dito ang imahe ng bansa, magtulung-tulong tayo,” ani dela Rosa.

Ang “no sail zone” at “no fly zone “kabilang na rin ang mga drones ay mahigpit na paiiralin bilang bahagi pa rin ng security measures malapit sa mga venue ng summit.

Umpisa kahapon ay ipinakalat na rin ng PNP ang 60,000 pulis na mangangalaga sa mga venue ng ASEAN Summit, billeting area at mga lugar na pupuntahan ng mga magpapartisipa sa okasyon na nagsimula na ring magdatingan sa bansa kahapon.

Kaugnay nito, binalaan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director OscarAlbayalde ang mga bayolenteng raliyista na aarestuhin at ikakalaboso sa mobile jail ng Bureau of Jail Management and Penology.

Ayon kay Albayalde na bagaman pahihintulutan na makapagdaos ng kilos protesta sa mga itinakdang rally zones ay hindi papayagan ang mga demonstrador na makalapit sa mga venue kung saan umiiral ang lock down.

Samantala muli namang pinaalalahanan ni Albayalde ang kapulisan sa Metro Manila na bawal ang mag-text habang naka-duty sa pagmimintina ng seguridad matapos na ilang pulis ang mahuli nito sa akto na abala sa kate-text matapos na mag-ikot si Albayalde kamakalawa na hindi nakilala dahil naka-motorsiklo at naka-helmet kung saan nasampulan ng sermon ang nasabing mga parak.

Inaasahan namang 21 mga lider sa mundo, bukod pa sa iba pang mga delegado at VIPs ang dadalo sa ASEAN Summit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with