PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

ASEAN 2017 welcome billboards sablay, binabaklas

Palpak na tarp ng ASEAN

MANILA, Philippines — Binatikos ng mga netizens ang nakakabit na tarpaulin sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila, na ikinabit doon bilang pagsalubong sa mga darating na delegado mula sa iba't ibang bansa para sa ASEAN Summit 2017.

Ito ay matapos mapuna ng ilan na mali ang spelling ng "Philippines" sa naturang tarpaulin. Imbes kasi na "Philippines," ang nakalagay sa tarpaulin ay "Philppines".

Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Michel Kristian Ablan, hindi raw nasunod ang aprubadong artwork nang iimprenta ang mga naturang tarpaulin.

Aniya, "The exact tarpaulins or billboards seen to the areas leading to the MOA complex did not conform to the approved final artwork. These were neither printed nor distributed by the PCOO, the Philippine Information Agency, TIEZA, MMDA or the DPWH."

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Humingi siya nang tawad sa naging pagkakamali na ito, at pinasalamatan ang publiko sa pagtawag sa kanilang pansin upang agad na maiayos ang mga naikabit na tarpaulin.

Kahapon din, inako ng Department of Interior and Local Government NCR ang pagkakamali at agad na rin napalitan ang mga maling billboard.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: