PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Tamang sanitasyon, isinulong ng Rentokil

MANILA, Philippines — Upang maiwasan ang posibleng mga sakit na masasagap sa mga palikuran o comfort room, inilunsad ng Rento­kil Initial  ang “proper hygien” o tamang sanitation nang paggamit nito sa pamamagitan ng 20 segundong paghuhugas ng kamay at pag-pa- flush ng inidoro na dapat ay nakasara.

Ang “adopt-a-school” ay isang programa para sa basic at tamang hygiene nang paggamit ng mga palikuran na unang inilunsad sa mga kabataang estudyante sa mga pribadong paaralan tulad ng Makati Gospel Church New Life Christian Academy.

Sa isang pagpupulong kahapon na isinagawa sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City, sinabi ng managing director ng Rento­kil Initial na si Ederine Gee Geneblazo, sa mga kabataang estudyante nila unang inilunsad ang naturang programa dahil sila ang mabilis kapitan ng sakit.

Ang Rentokil Initial ay ang kompanya para sa mga pasilidad sa toilet sanitation. Kung saan sinabi pa ni Ge-neblazo, na plano rin nilang ilunsad ang naturang prog­rama sa mga pampublikong paaralan sa susunod na taon.

Ang paglulunsad ng programa ay bunsod ng “World Toilet Day” na inisyatiba ng United Nations General Assembly na inilunsad noong 2015, na ang pinaka-target aniya  ay tiyakin ang kaligtasan ng bawat isa sa pagmamantina ng household toilet pagdating ng 2030.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: