PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

81 foreign fugitives. wanted sa cyber fraud kinasuhan na ng BI

MANILA, Philippines — Kasong paglabag sa Philippine immigration act ang isinampa laban sa  47 Chinese at 34 Tai­wanese nationals na naaresto kamakailan ng mga ope­ratiba ng intelligence operatives ng Bureau of Immigration (BI) sa isang  condominium sa Makati City kaugnay sa pagkakasangkot sa operasyon ng cyber fraud.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ang kaso ay isinampa matapos kumpirmahin ng embahada ng China na lahat ng naarestong dayuhan ay mga pugante na wanted sa kasong cyber fraud at economic crimes sa China.

Dagdag pa ni Mo­ren­te na inilagay na sa immigration watchlist ang mga naarestong dayuhan upang hindi makalabas ng bansa habang isinasagawa ang deportation proceedings sa BI board of commissioners. Dapat din aniyang makakuha ng NBI clearance ang BI bago pabalikin sa kanilang bansa ang mga dayuhan upang masiguro na wala silang nakabinbing kaso. Bukod dito, sinampahan din ng pagiging undocumented aliens ang mga ito dahil sa pagkabigong maiprisinta ang kanilang immigration documents  na nagpapatunay na sila ay legal na nanunuluyan sa bansa.

Ayon kay BI acting spokesman Grifton Medina, naaresto ang mga dayuhan noong Martes ng gabi sa loob ng kanilang unit sa condominium tower sa kahabaan ng Gil Puyat Ave­nue, Makati City ng mga tauhan ng fugitive search unit ng BI sa pangunguna ni Intelligence Officer and FSU Chief Bobby Raquepo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: