PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 ex-Customs officials na nadawit sa korapsyon, binigyan ng bagong posisyon

MANILA, Philippines — Muling itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Magdalo members na inakusahang sangkot sa ‘payola’ sa Bureau of Customs sa ibang posisyon sa gobyerno.

Itinalaga ni Pangulong Duterte sina Milo Maestrocampo, bilang assistant director ge-neral ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Gerar­do Gambala, bilang director IV ng Office for Transport Security ng Department of Transportation (DOTr).

Isinangkot sina Gambala at Maestrocampo ng custom broker na si Mark Taguba sa payola sa Customs sa isinagawang imbestigasyon ng Senado ukol sa P6.4 bilyong shabu shipment na nakalusot sa BOC.

Si Maestrocampo ay nagbitiw bilang Import Assessment Services (IAS) chief habang si Gambala naman ay nagbitiw din bilang Customs deputy commissioner matapos silang isangkot ni Taguba sa payola sa BOC.

Bukod kina Gamba­la at Maestrocampo ay itinalaga rin ni Duterte sina Mr. Lyndon Lee Suy bilang assis­tant secretary ng Department of Health (DOH), Roland Domingo at Carolina Taino bilang undersecretary ng DOH; Alexander Ma­cario bilang assistant secretary ng DILG; Jocelyn Batoon-Garcia bilang ambassador sa Norway; Dennis Lepatan bilang ambassador sa Switzerland at Eduardo de Vega bilang ambassador sa Belgium.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: