PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nakawan bumaba ng 23.61% - PNP

MANILA, Philippines — Dahil sa pinagting na anti-criminality campaign, bumaba ng 23.61 porsyento ng mga insidente ng robbery o nakawan sa bansa sa loob ng nakalipas na 10 buwan, ayon sa Philippine National Police (PNP) kahapon.

Base sa ipinalabas na data ng Crime Information Reporting and Analysis System (CIRAS) ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), nasa 13,948 mga kaso ng robbery ang naitala mula Enero-Oktubre 2017.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, nasa 4,311 kaso ang ibinaba ng nakawan kumpara sa naitalang 18,259 insidente na nairekord mula Enero-Oktubre ng taong ito.

Samantala sa pagrerebisa sa monthly crime trend,  ang mga kaso ng nakawan ay bumaba ng 44.89%  mula sa dating nairekord na 2,350 noong Enero 2016  ay nakapagtala na lamang ng 1,295 kaso ngayong Oktubre 2017. Ang mga kaso ng nakawan ay kabilang sa 8 focus crimes na pinatututukan ni PNP Chief P/Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Sa pinakahuling data, ang mga motorcycle riding suspects (MRS) ang karaniwang sangkot sa mga nakawan samantalang sa loob lamang ng 26 araw mula Oktubre 10-Nobyembre 5 ng taong ito ay nasa 115 kaso ng mga nakawan ang naitala ng PNP-CIRAS-DIDM na kinasangkutan ng MRS sa nairekord na 327 kaso.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: