PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Maintenance checks ng MRT3, pinado-doble

Sinabi ni Senator Nancy Binay, dapat na mas pag-ibayuhin ng Department of Transportation (DOTr) at ng MRT-3 management ang bilang ng maintenance at inspeksyon sa mga trains at tracks para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero lalo pa’t inaasahan na ang holiday rush. Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Doble hanggang triple.

Ito ang suhestiyon ni Senator Nancy Binay sa pagsasagawa ng maintenance checks sa MRT 3 lalo pa’t papalapit na ang Kapaskuhan kung saan inaasahang dadagsa pa ang sasakay sa MRT.

“With failing trains, commuters face a less than merry Christmas,” ani Binay.

Sinabi ni Binay, dapat na mas pag-ibayuhin ng Department of Transportation (DOTr) at ng MRT-3 management ang bilang ng maintenance at inspeksyon sa mga trains at tracks para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero lalo pa’t inaasahan na ang holiday rush.

Ayon kay Binay, mahalaga sa train systems ang sumailalim sa karagdagang maintenance checks dahil mas tataas pa ang volume ng mga pasahero.

“Naiintindihan ko ang posisyon ng DOTr na kailangang tumakbo ang mga tren, but the safety of the riding public should always take the front seat. Given the poor state of our mass transportation, especially the MRT, it will be difficult for our kababayans to spread holiday cheer as they face the horrors of their daily commute,” pahayag ni Binay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ipinaalala pa nito na ang MRT 3 ay maituturing nang “notorious” sa aberya at maraming “technical glitches” halos araw-araw. Dapat din aniyang tiyakin ang seguridad ng mga pasahero.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: