PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

P6-B droga sinunog ng PDEA

Umaabot sa P6 bilyong halaga ng illegal na droga ang sinira at sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pamumuno ni Director General Aaron Aquino sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martirez City, Cavite kahapon. Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Umaabot sa P6 bil­yong halaga ng droga ang sinunog ng mga opisyal at tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integra­ted Waste Management Incorporated (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martirez City, Cavite nitong Biyernes.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino, kabilang dito ay nasa 952.69 kilo ng sari-saring  nasamsam na ebidensyang shabu; cocaine, ketamine, marijuana, benzphetamine HCl, N-benzylpiperazine, zolpidem, ephedrine, propanolol, sodium carbonate, valium, nitrazepam, nalbuphine, clonazepam, alprazolam, midazolam, methylphenidate, MDMA, codeine, pseudoephedrine, at maging ang mga expired ng mga gamot at likido ng shabu na tumi­timbang ng  1,070,159 ml (1,079.159 liters).

Samantalang base sa report ng PDEA Laboratory Service, kabilang sa mga sinunog ay nasa 873,033.14 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P4.365 bilyon; liquid shabu na nasa 1,070,159 ml. na may katumbas na P1.605 bilyon; 82.73 gramo ng cocaine na may presyong P314.374 milyon at iba pa na ang kabuuang halaga ay nasa P6,001,826,947.80.

“We want the public to witness the destruction of dangerous drugs seized by drug enforcement officers to allay public apprehensions that these illegal drugs and illicit substances are being reused, recycled or sold back in the streets,” anang opisyal.

Samantala, nagsilbi namang panauhing pandangal at tagapagsalita sa ceremonial destruction ng mga nakumpiskang droga ng PDEA si Ruy Moreno, Chief of Staff na kumatawan kay  Senador Richard Gordon, Senate Chairman on Blue Ribbon Committee.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: