PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Human rights summit’ isinusulong ng Pilipinas

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang news confe­rence sa Da Nang, Vietnam habang dumadalo sa APEC Summit na handa ang Pilipinas na maging host ng world summit on human rights. AFP/File

MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakahanda ang Pilipinas na maging host ng world summit on human rights.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa isang news confe­rence sa Da Nang, Vietnam habang dumadalo sa APEC Summit na handa ang Pilipinas na maging host ng world summit on human rights.

Magugunita na naging sentro ng pagbatikos mula sa iba’t ibang international human rights group si Pa­ngulong Duterte dahil sa inilunsad nitong drug war kung saan ay may 3,900 na suspected drug users at pushers ang nasawi sa police operations matapos manlaban umano habang inaaresto.

“Let’s have a summit of how we can protect human rights for all human race,” panawagan ni Pangulong Duterte sa mga kapwa lider na dumalo sa APEC Summit.

“What makes the death of people in the Philippines more important than the rest of the children in the world that were massacred and killed,” paliwanag pa ni Duterte.

Aniya, iniimbitahan niya ang lahat ng naging biktima ng human right violations na dumalo sa summit at kanilang ihayag ang kanilang hinaing.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: