PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Economic integration ng ASEAN makabubuti sa kababaihan – Leni

MANILA, Philippines — Makakabubuti sa kababaihan ang economic integration ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ayon kay Vice President Leni Robredo, kayat inaabangan niya ito na maganap sapagkat maraming oportunidad ang maaaring ibigay umano nito sa kababaihan sa rehiyon.

“ASEAN integration is good for women,” wika ni Robredo sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng 1st Southeast Asia Women’s Summit na ginanap sa Miriam College sa Quezon City.

Nakapokus umano ang 10-member regional bloc sa micro, small at medium enterprises bilang kasangkapan sa pag-unlad, sa gayon ay magkakaloob ng pagkakataon sa kababaihan sa larangan ng turismo, serbisyo, agribusiness at iba pang sector.

Magbibigay umano ang economic integration ng ASEAN sa mga Pilipino ng pagkakataon  para sa mas maraming trabaho sa bansa.

Isa mga hangarin ng ASEAN Economic Community ay bawasan ang kawalan at kakulangan ng trabaho sa bawat kasaping bansa.

Kilangan umanong samantalahin ang oportunidad na ito na binuo ng ASEAN Economic Community sa pamamagitan ng pagtiyak na handa ang mga manggagawang Pilipino

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“When we do, our people, especially our women, will not be left behind; instead, they will be equipped with competencies that are in line with the demands of the international labor market,” wika pa ni Robredo.

Binanggit din nito na sa loob ng nakalipas na mahigit 50 taon ay nagkaroon ng pagsisikap na bigyang kapangyarihan ang mga kababaihan sa ASEAN.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: