PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Isabel Granada binigyan ng military honors

MANILA, Philippines — Binigyan ng military honors ng Philippine Air Force (PAF) ang labi ng aktres na si Isabel Granada matapos itong dumating kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ng Philippine Airlines flight 685 galing Doha, Qatar.

Dakong alas-10 ng umaga nang lumapag ang labi ni Granada kasama ang kasalukuyang partner nito na si Arnel Cowley habang sumalubong naman sa cargo warehouse ang dating mister na si Jericho Genasky Aguas at ang kanilang 14-anyos na anak na si Hubert.

Naging madamdamin ang mga tagpo ng naulilang pamilya ni Granada lalo’t nilagyan pa ng bandera ng Pilipinas ang ibabaw ng  puting casket nito.

Sinabi ni Lt. Butch Guevarra, commanding officer ng First Phil. Air Force Reserve Center ng Villamor Airbase, si Isabel na isang piloto ay reservist Airwoman 2nd Class ng PAF.

Ang dating aktres ay kabilang din sa PAF volleyball team.

Kasabay nito, ipinaabot naman ni PAF Chief Major Gen. Galileo Gerard Kintanar ang taos pusong pakikiramay sa naulilang pamilya ni Isabel.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nabatid na magkakaroon ng public viewing ngayong umaga (Biyernes) at bukas (Sabado) mula alas-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa Santuario de San Jose Parish sa Mandaluyong.

Ike-cremate ang kanyang mga labi sa Linggo, Nobyembre 12 sa Arlington Memorial chapel.

Nabatid na nasa Qatar si Granada at asawa nito para sa Philippine Trade and Tourism Conference nang bigla umanong mahilo ang aktres at tuluyang nag-collapse dahil sa aneurysm.

Mahigit isang linggong na-comatose is Granada sa intensive care unit ng Hamad Ge­neral Hospital sa Doha bago tuluyang pumanaw sa edad na 41.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: