PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Salome’ lumakas pa

MANILA, Philippines — Lalo pang lumakas ang tropical depression “Salome” habang patuloy na kumikilos patungong Southern Luzon.

Nakataas na ngayon ang tropical cyclone signal number one (1) sa Metro Manila, Rizal, Bataan, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, kasama na ang Ticao at Burias Islands, Romblon, Marinduque, Quezon, Laguna, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Leyte, pati na ang Biliran.

“Tatahakin nito ang Bicol papunta South Luzon at inaasahang malakas ang ulan na dala-dala nitong si Tropical Depression ‘Salome’,” sabi ni PAGASA administrator Vicente Malano.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 50 km timog timog kanluran ng Juban, Sorsogon.

May taglay itong lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 90 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: