PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Panukalang gawing drug enforcement academy ang mega drug rehab, ok sa Palasyo

MANILA, Philippines — Welcome sa Malacañang ang panukala ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na gawing drug enforcement academy ang 10,000-bed capacity na mega drug rehabilitation center sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang mega drug rehab center na donasyon ng isang Chinese businessman ay hindi naman isang permanent structure.

Aniya, ang target naman ng Duterte government ay tuluyang masawata ang drug problem sa bansa kaya puwedeng gamitin ng ibang ahensiya ang P1.4 bilyong center sa ibang paggagamitan nito.

“If you would recall, the 10,000-bed mega-facility was built for the recovery and treatment of drug addicts in the country.  However, from the beginning, we, particularly our health officials, do not envision this to be a permanent structure,” paliwanag ni Roque.

“Our long-term vision is once the drug problem has been resolved, this can be turned over to the military who owns the land or other agencies of government that can utilize, manage and optimize the facility,” dagdag pa ni Roque.

Magugunita na ang komento ni dating Dangerous Drug Board chairman Dionisio Santiago na isang malaking pagkakamali ang pagtatayo ng mega drug rehab ang naging mitsa para sibakin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang DDB chief.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Idinagdag pa ni Roque, walang pondong ginastos ang gobyerno sa pagpapatayo ng mega drug rehab center dahil donasyon lamang ito sa gobyerno ng Chinese businessman na si Huang Rulun.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: