PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Krimen bumaba ng 8% - PNP

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos base sa rekord ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) mula Enero hanggang Oktubre ng taong ito, nakapagtala ang DIDM ng kabuuang 452,204 krimen kumpara sa 493,912 TCV sa kaparehong panahon o pagbaba ng 41,708 na nasa 8.44 %. File

MANILA, Philippines — Bumaba ng 8% ang Total Crime Volume (TCV) sa loob ng 10 buwan sa taong ito kumpara noong 2016.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos base sa rekord ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) mula Enero hanggang Oktubre ng taong ito, nakapagtala ang DIDM ng kabuuang 452,204 krimen kumpara sa 493,912 TCV sa kaparehong panahon o pagbaba ng 41,708 na nasa 8.44 %.

Sa nairekord na TCV sa buong bansa ay nasa 452,204 ito sa taong ito na kinabibilangan ng 94,585 Index Crime Cases at 357,639 naman ang mga Non Index Crime Cases.

Ang mga index crimes ay tulad ng mga kasong murder, homicide, rape, robbery, physical injuries at iba pa habang ang non-index crimes ay mga paglabag sa special laws gaya ng anti-illegal gambling at anti-illegal drugs.

Nangunguna ang Metro Manila sa may pinakamataas na bilang ng mga krimen.

Karamihan sa mga naitalang krimen ay theft o pagnanakaw na naitala mula Enero-Oktubre na nasa 30,673 insidente; sinundan ng physical injuries ,26,891; robbery, 13,948; murder, 7,785; rape, 7,274 at homicide, 2,169.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kasama rin sa index crimes ang pagnanakaw sa mga behikulo at cattle rustling.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: