PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Zero incident sa ASEAN Summit target ng NCRPO

Puspusan na ang paghahanda sa International Media Center sa World Trade Center, Manila para sa nalalapit na pagdaraos ng ASEAN Summit. (KJ Rosales)

MANILA, Philippines — Sisikapin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na maging zero incident sa anumang karahasan o pananabotahe ang  pagdaraos ng ika-31st Association of Southeast Asian Nation Summit (ASEAN) sa  bansa partikular na sa venue nito sa Metro Manila.

“In almost a year of security preparations for the 31st ASEAN Summit, I believe we have prepared everything, however one thing that we must not forget to include in our preparedness and readiness is prayer and Divine Intervention,” pahayag ni NCRPO Director Oscar Albayalde.

Nasa 33,000 pulis ang mangangalaga sa seguridad sa venue ng okasyon sa Metro Manila at maging sa billeting ng mga dele­gado, head of states at iba pang VIPS.

Sa kabuuan nasa 60,000 pulis ang ipina­dedeploy ng PNP Chief P/Director General Ronald dela Rosa sa mga venue ng Summit kabilang dito ay sa Clarkfield, Pampanga; Metro Manila at ilang bahagi ng Southern Tagalog Region kung saan gaganapin ang ilang mahahalagang aktibidade .

Sinabi ni Albayalde na mahalaga na sa bawat misyon ay samahan ito ng dasal gayundin ay  pinaalalahanan ang kaniyang mga tauhan na magkaroon ng teamwork, kooperasyon, sakripisyo, alerto, pagiging vigilante  at inisyatibo.

Pinayuhan din niya ang mga pulis na idedeploy sa ASEAN na obserbahan ang protocol na Tamang Bihis at bawal ang mag-text at magkalat habang naka-duty.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kaugnay nito, hinikayat ni Albayalde ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad  upang matiyak na magiging mapayapa at matiwasay ang ASEAN Summit na iniho-host ng bansa kung saan ay dapat agad ng mga itong ireport ang anumang kahinahinalang bagay at personalidad para maaksyunan ng mga awtoridad.

Samantalang paiiralin naman ang maximum to­lerance sa hanay ng mga raliyista na pinakikiusapang sa rally zone magdaos ng mapayapang kilos protesta.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: