^

Bansa

Banana farmers sumugod sa DOJ

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumugod sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang mga Banana farmers at workers upang pilitin ang pamahalaan na i-award sa kanila ang libong ektarya ng lupa na kinuha sa kanila ni Antonio Floirendo’s Tagum Development Corporation (Tadeco).

Ayon kay Billy Ca­bintoy, Secretary General ng Agrarian Reform Bene­ficiaries One Movement (AOM), ang 28,816-ektaryang banana plantation ng Tadeco ng pamilya Floirendo, na isang Marcos crony, ay isang malinaw na halimbawa kung paano ang lehitimong agrarian reform beneficiaries ay nawawalan ng kanilang mga karapatan upang magbungkal ng kanilang sariling mga lupain sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga schemes tulad ng leaseback, leasehold, contract growing at agri-business venture agreement (Avas). Wala ni isa sa mahigit 1,890 ARBs sa Floirendo plantation umano ang nabenepisyuhan mula sa paggamit ng kanilang mga lupain. Sila ay mana­natiling plantation workers,  alipin o sinisibak agad kapag sila ay nagreklamo at igiit ang kanilang mga karapatan. Marami umano sa kanila ang ginigipit at tinatakok na hindi papatuntungin sa kanilang lupa.

“In early May of this year, the DOJ had ruled that the Joint Venture Agreement (JVA) between the Bureau of Corrections (BuCor) and Tadeco first inked in 1969 was illegal. The Commission on Audit (COA) later reaffirmed this by stating that the deal was unconstitutional and called for the filing of criminal charges against former officials of the DOJ and the BuCor who approved the deal with TADECO,” sabi ng mga nagpro-protesta.

Anila, nanalo na sila sa mga kaso sa DAR at maging sa Korte Suprema. Tanging ang agarang pagtatalaga ng ARBs umano ang magbibigay katarungan sa kanila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with