^

Bansa

Regulasyon sa nakukumpiskang droga, inilabas ng BOC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilabas na ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang regulasyon sa tamang paghawak ng mga nasasamsam na ile­gal na droga.

Ang pagpapalabas ng bagong panuntunan ay bunsod na rin ng kontrobersiyang nilikha ng pagkakapuslit sa bansa ng may P6.4 billion   shabu shipment sa BOC.

Sa pahayag ni  Customs Commissioner Isidro Lapeña, sa ilalim ng Memo­randum 2017-11-004 ang lahat ng mga hinihinalang iligal na droga at controlled precursor and essential chemicals (CPECs) na nadiskubre sa hurisdiksyon ng BOC ay kinakailangang agad na iulat sa Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) para sa maa­yos na koordinasyon sa PDEA. 

Binigyang diin pa ni Lapeña na ang PDEA ang pangunahing ahensya ng gobyerno pagdating sa mga nahuhuling ilegal na droga. 

Matatandaan na mainit na natalakay sa pagdinig ng Senado at Kamara ang umano’y hindi maayos na paghawak ng BOC sa mahigit 600 kilo ng shabu na nasamsam mula sa isang warehouse sa Valenzuela City. 

Dagdag pa ni Lapeña, importanteng masunod ang itinatakda ng Republic Act 9165 at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with