^

Bansa

Ex-Sulu gov. idinawit sa kidnapping

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inatasan ng Ombudsman Mindanao si dating Sulu governor Abdusakur Tan at anim na iba pa para magpaliwanag kaugnay sa reklamong kidnapping ng isang German journalist.

Sa kautusan ng De­puty Ombudsman for Mindanao kay Tan, inatasan nito na sagutin ang akusasyon ng pagdukot noong Hulyo 2000 sa Jolo kay Andreas Lorenz ng Der Spiegel correspondent habang nagko-cover ng Sipadan hostage taking.

Si Lorenz ay kinidnap umano ng isang Philip na kanyang nakilala sa bahay mismo ni Sakur Tan.

Nag-ugat ang kaso matapos na kasuhan ni dating Jolo Sulu councilor Temogen S. Tulawei ng kidnapping at serious illegal detention at paglabag sa Republic Act 3019 o Corrupt Practices of Public Officers si Tan at iba pa.

Bukod kay Tan, kinasuhan din sina Ahmadjan M. Hassan, Dolphy Hairal Abdulkahal, Salip Abdullah, Gulamo Uddin, Commander Daga, Commander Asbi, at iba pang John Does.

Batay sa atas ng Ombudsman, dapat magsumite ng counter-affidavits sina Tan sa loob ng 10 araw matapos matanggap ang kautusan.

Natanggap na ni Tulawie ang kopya ng utos ng Ombudsman kay Tan gayundin ay nakatanggap siya ng kopya ng mosyon ng kampo ng dating gobernador na humihingi ng 15 araw pang palugit upang makasagot sa counter-affidavit. 

Sa affidavit-complaint ni Tulawie, ang papel umano ni Sakur Tan sa kidnapping ni Lorenz ay pagkukunwa­ring tumulong sa negosasyon bilang gobernador kung saan ipinag-uutos umano nito na ang ransom money ay personal na ibigay sa kaniya dahil siya lamang ang may kontak sa mga kidnappers.

Subalit kinalaunan ay kinilala rin ni Tulawie ang umano’y kidnapper na si “Philip” bilang si Ustadz Salip Abdullah na di­umano’y palagiang nagpupunta sa bahay ni Tan na kinuwento pa umano ni Tan na nakapag-advance na ng ransom payment na P400,000.

Sa testimonya naman ni Dr. Olaf Ihlau na ngayon ay nasa 75 taong gulang na at dating editor ng Der Spiegel, sinabi niyang personal niyang inihatid ang dalawang bag ng ransom money kay Governor Tan sa kaniyang tahanan sa Jolo.

Batay naman sa si­num­paang salaysay ni Derman Nasili na nagtatrabaho sa photo journalist na si David McIntyre noong 2000 na ang ransom money na inihatid ni Dr. Olaf Ihlau kay Gov. Tan ay hindi naman nailabas sa bahay ni Tan ngunit ilang minuto lamang ay inihatid na rin si Lorenz kay Gov. Tan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with