PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

AFP troops sa Sandy Cay pina-pullout na ni Digong

Inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagprotesta ang China sa plano ng AFP na magtayo ng mga kubo sa Sandy Cay malapit na Pag-asa, isa sa siyam na isla na inookupa ng Pilipinas sa West Philippine Sea (South China Sea). KJ Rosales, File

Matapos magprotesta ang China

MANILA, Philippines — Sa gitna na rin ng protesta ng China, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pullout ng tropa ng militar sa Sandy Cay malapit sa Pag-asa Island sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.

Inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagprotesta ang China sa plano ng AFP na magtayo ng mga kubo sa Sandy Cay malapit na Pag-asa, isa sa siyam na isla na inookupa ng Pilipinas sa West Philippine Sea (South China Sea).

“The Chinese reacted and so the President came to know about this and he said let’s pull out,” pahayag ni Lorenzana sa ginanap na security forum sa Makati City. “We left and… the tension lowered again.”

Nabatid na magtatayo sana ng mga bahay kubo na matutuluyan ng mga sundalong nakadeploy sa Pag-asa Island na magagamit ng mga ito kapag masama ang lagay ng panahon.

Magugunita na ipinag-utos ni dating AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na tanuran ng mga sundalo ang lahat ng mga isla na nasasaklaw ng 200 milyang Exclusive Economic Zone (EEZ) sa WPS.

Inihayag ni Lorenzana na ang pagtutol ng China ay ipinarating sa Department of Foreign Affairs (DFA).

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“They complained that we are occupying a new feature. No, actually we brought a people there to occupy the, not to occupy, but to put structures for our fishermen,” paliwanag ng kalihim.

“It’s not a permanent structure because its a sandbar. It cannot even, you cannot even dig in there because it’s very soft,” paliwanag pa nito.

Idinagdag pa ni Lorenzana na upang hindi na uminit ang tensyon sa pinag-aagawang teritoryo ay ipinag-utos ng Pangulo ang pullout ng AFP troops.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: