^

Bansa

DOH pabor sa drug rehab sa komunidad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pabor si bagong talagang Health Secretary Francisco Duque III sa mungkahi ng nagbitiw na si Dangerous Drugs Board (DDB) Chairman Dionisio Santiago na magpatayo ng mga community-based drug rehabilitation center.

Ayon kay Duque ang importante ay mapalawak ang access sa rehabilitasyon ng mga drug dependent sa bansa.

Kumbinsido ang kalihim na mainam kung may suporta ng komunidad at pamilya ang rehabilitasyon ng isang nalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Giit ni Duque, hindi umano nangangahulugan na dahil mayroong malalaking regional center ay hindi na uubra ang pagkakaroon ng community-based center.

Ginawa ni Duque ang pahayag bilang reaksyon sa sinabi ni Santiago na nagkaroon ng miscalculation sa panig ng DOH nang imungkahi nito ang pagtatayo ng Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija na may kapasidad na 10-libong pasyente.

Si Duque ay pormal nang naupo bilang kalihim ng DOH matapos niyang palitan sa kagawaran si Secretary Paulyn Ubial na natanggal sa puwesto matapos hindi ikumpirma ng Commission on Appointments.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with