^

Bansa

DDB chair Dionisio pinagbitiw ni Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsumite ng kanyang irrevocable resignation si Dangerous Drug Board (DDB) chairman Dionisio Santiago kay Pangulong Duterte.

Ginawa ng retired AFP chief ang kanyang pagbibitiw matapos ipaabot sa kanya ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang kautusan ng Pangulo na magbitiw na ito bilang DDB chief.

Ito’y matapos mapaulat ang komento ni Santiago na isang malaking pagkakamali ang pagtatayo ng mega rehab faci­lity sa Nueva Ecija.

“Malacañang knows best. The boss is always right,” wika ni resigned DDB chairman sa isang panayam sa telebisyon.

Bago ito nagbitiw, ay hiniling pa nito kay Pangulong Duterte ang pagpa­yag nito para sa strategy plan upang labanan ang narcotics.

Magugunita na sinibak din ni Duterte ang naunang DDB chairman na si Benjamin Reyes matapos kontrahin nito ang numero ng drug dependents sa bansa.

Ang palaging bina­banggit ng Pangulo sa kanyang mga speeches ay nasa 4 milyon ang drug dependents sa bansa pero sinabi ni Reyes sa isang event na dinaluhan nito ay nasa 1.8 milyon lamang ang drug addicts sa Pilipinas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with